Sunday, April 26, 2009

Pagsubok. Pagsuko.

Ang isang bagay daw na mabigat, gagaan lamang kung bibitawan. Sabi nila, if you`re hurting too much, then let go. Ang dali nga namang sabihin `no? Lalo na kung hindi kaw `yung nasa sitwasyon. Kung hihingi sa`yo ang kaibigan mo ng advice, walang hesitation mo pang sasabihin na, "Hayaan mo na`yun." Pero kung ikaw na `yung nakakaranas, ang hirap sabihing, "Hahayaan ko na lang `yun."

It`s really hard to let go of the things which you like, much more of the persons which you love; those a few who`ve touched your life and may have changed its direction from time to time. Sadly, minsan, kailangan lang talagang pakawalan ang mga ito, kailangan silang pakawalan. Umasa naman ako, tulad ng sabi nila, `wag mawawalan ng pag-asa. Pero `till when? Until there`s nothing left ba? To think of it, it`s unfair. And I am no longer surprised. 15 years of sudden changes, abrupt tailspins, unpleasant surprises and what do you expect? Gabi-gabi, I pray to God not only to thank Him for everything, say sorry for everything and ask for protection for myself and my loved ones; but to have that final moment when all I`ve been asking for would come true. Siguro talagang ganun, `di laging napagbibigyan, `di lahat magiging masaya. Unfortunately, wala talaga eh. Hinintay ko naman. Ang tagal ko ring naging sarado sa mga posibilidad dahil nakatali ako sa gusto kong mangyari. Pero after everything having said and done, it`s time to let go. Pagsuko para sa iba, pero para sa `kin, hindi. Pagtanggap lang sa katotohanang `di lahat ng bagay ay napagbibigyan.

Pinilit kong kumapit pero masyado ng mabigat. Kung `di pa ako bibitaw ngayon, tuluyan na `kong babagsak. At baka wala ng sumalo...

No comments:

Post a Comment